Ni Annielyn S. Eugenio
Ang University of Perpetual Help Calamba ay nakiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapanganakan ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal. Pinangunahan ito ng The Perpetualite Archives Editorial Board, Student Supreme Council Officers at Asosasyon ng Komunikasyon at Tinig ng Makabagong Organisasyon Officers kasama ang Student Affairs Head, G. Salvador Balagot at Student-Personnel Services Head, Dr. Josephine Maningas.

Tulad ng kinagawian, muling idinaos ang linggo ng pagdiriwang ng buhay at kabayanihan ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal. Ngayong taon ay ang kanyang ika-isang daan at limampu’t walong anibersaryo ng kapanganakan.
Ang paggunita ay sinimulan noong ika-8 ng Hunyo na sinimulan sa pagdaraos ng Bikefest: MTB Race. Ito ay na ginanap sa Barangay Bunggo kasabay ng Buhayani Football Cup sa Jose Rizal Plaza.
Ang Bikefest: Road o Fixie Race naman ang idinaos sa Carmelray Industrial Park, Canlubang noong Hunyo 9. Mula naman Hunyo 11, 13 at 14 ay nagsimula ang tatlong araw ng Kwentong Bayani na ginanap naman sa Museo ni Jose Rizal. Kasabay ng pagdiriwang ng ika- 121 Araw ng Kalayaan ay idinaos rin ang Marching Band Corp. sa Calamba City Plaza. Noong Hunyo 13, nagkaroon ng patimpalak kung saan nagtagisan ng talino ang mga kabataan. Ito ay ang kompetisyon na tinatawag na Talinong Rizal na idinaos naman sa City Mall – Calamba.
Nagkaroon din ng “Salu-Salo Sa Aming Calambeño” na ginanap sa Calamba City Plaza-Banga kasabay ng Job Fair sa SM City Calamba. Pagsapit ng Hunyo 14, nagkaroon ng Eye Care Program na ginanap sa Museo ni Jose Rizal at Baile de Gala na ginanap sa LLC Auditorium. Ang Bikefest: Eco Fun Ride naman ang ginanap sa Jose Rizal Plaza noong Hunyo 15 kasabay ng pinakainaabangan ng lahat ang Sayaw Indak Showdown na nilahukan ng ibat-ibang paaralan sa loob ng Calamba. Nagkaroon din ng Calambangka sa Baywalk Calamba, Saranggolahan sa Sampiruhan BW2 at Hip-Hop Dance Contest sa Calamba City Plaza noong Hunyo 16. Naganap naman ang Kundiman Singing Contest at Kuhang Buhayani sa Banga Area noong Hunyo 17. Idinaos naman noong Hunyo 18 ang Awitula sa Museo ni Rizal kasabay ang Fiesta Rizalista sa Jose Rizal Plaza.

Sa Araw ng Kapanganakan ni Jose Rizal, Hunyo 19, mayroon ding mga kaganapan na inorganisa. Ang unang bahagi ng ay ang Wreath Laying Ceremony na ginanap sa City College of Calamba (CCC) Quadrangle sa harap ng monumento ni Jose Rizal. Ito ay sinimulan ng isang katutubong sayaw na pinangunahan ng CCC Socios- Filipiniana sa pamumuno ni G. Roden M. Reuteraz. Sinundan ng pagtatanghal ng Buhay ni Dr. Jose Rizal ng CCC Socios-Teatro at mga piling magaaral ng dalubhasaan sa pamumuno ni Bb. Jaqueline R. Recaña.


Nagkaroon din ng Panalangin na pinamunuan naman ni Sir Juanito Javier, Past Chapter Commander KCR. At ang Pagpasok ng Kulay na pinangunahan nina G. Arwie H. Fernano, G. Leonardo Antivo, G. Jaime Hernandez at G. Arlou Fernando kasabay ng pagawit ng Pambansang Awit sa saliw ng tugtutgin ng CCC Socios-Glee Club sa pamumuno ni Bb. Mary Anne G. Ortiz. Kasunod naman ay ang Panata ng Katapatan na pinamunuan nu Gng. Julie Ann A. Orajay. At Himno ng Calamba sa pamumuno pa rin ni Bb. Mary Anne G. Ortiz. At ang pinakanagbigay buhay sa programa ay ang pangpamulat ng kaisipan na Mensahe mula kay Sir Feliciano Batiao Jr. KCR-Deputy Commander Knights of Rizal.


At sa pagtatapos ng palatuntunan, nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak mula sa ibat-ibang paaralan at sektor sa loob at labas ng Calamba, ito ay kinalahukan din ng University of Perpetual Help. Ganap na ika-1 ng hapon ay nagsimula ang Buhayani Festival Grand Parade, kung saan nagsiklaban ang pagandahan ng mga “float” kasabay ng Street Dance Competition. Nagtapos ito sa pag-aanunsyo ng mga nagwagi.
Ang paggunita ng Buhayani Festival ay nagsilbi nang tradisyon ng mga Calambeño. Mananatili itong yaman upang higit na mas mapakislap ang kulturang hindi lang ang lalawigan ng Laguna ang mayroon, kung ‘di ang buong bansang Maharlika.